CABANATUAN CITY – “Kung kaya ni Mister, kaya rin ni Misis!” Ito ang pinatunayan ng mga maybahay ng pulitiko sa Nueva Ecija makaraang mahalal sila upang palitan sa puwesto ang kani-kanilang asawa.

Nanguna si talaan si Governor-elect Czarina Domingo-Umali, na maybahay at papalit kay outgoing Gov. Aurelio Matias Umali, matapos na talunin si dating Rep. Rody Antonino.

Sa ikalawang distrito ng lalawigan, nanalo si Mikki Violago, maybahay ni outgoing Rep. Joseph Gilbert Violago, laban sa katunggaling bayaw na si Joselito Violago.

Nagwagi rin si Sylvia Austria bilang alkalde ng Jaen, kahalili ng asawang si incumbent Mayor Santy Austria; si Marita Angeles ang bagong alkalde ng Sta. Rosa, kapalit ni outgoing Mayor Otep Angeles; si Imee De Guzman ang papalit kay incumbent Sto. Domingo Mayor Eulino De Guzman.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Wagi rin si Eufemia Domingo, asawa ni outgoing Mayor Willy Domingo ng Licab; at si Ria Vergara, negosyante at asawa ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara, ang nanalong kongresista sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija. - Light A. Nolasco