Isinara sa publiko ngayong Linggo ng Manila Police District-Manila District Traffic Enforcement Unit (MPD-MDTEU) ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard upang bigyang-daan ang pagdaraos ng “NCR Women’s Half Marathon MNL.”

Batay sa advisory ng MDTEU, mula 4:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga ay sarado ang southbound lane ng Roxas Boulevard, mula President Quirino Avenue hanggang P. Ocampo Street.

Dahil dito, nagpatupad ng rerouting ang MDTEU sa mga nasabing oras upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko.

Ang mga motoristang magmumula sa Bonifacio Drive ay kailangang kumaliwa sa Pres. Quirino, patungo sa kanilang destinasyon.

Tsika at Intriga

Juliana nagpatutsada kay Diwata: 'Dating nagsusungit, ngayon kusang lumalapit!'

Ang mga dadaan naman sa Pres. Quirino Avenue patungong Roxas Boulevard ay pinakakaliwa sa Adriatico Street, kanan sa P. Ocampo, at kaliwa sa FB Harrison Street. - Mary Ann Santiago