IBAJAY, Aklan - Kumakalat ngayon sa social media ang video ng paghahanda umano sa vote-buying ng isang barangay chairman sa Ibajay, Aklan.

Sa nasabing video, makikita si Dindo Muyo, chairman ng Barangay Colong Colong, habang inaayos ang mga sobre kasama ang ilang tao, sa loob ng isang bahay. May tinitingnan ding papel si Muyo na umano’y listahan ng mga botante.

Kuha umano ang video nitong Mayo 8, bisperas ng eleksiyon.

Sa panayam ng Balita, itinanggi ni Muyo na ginamit niya ang mga sobre sa vote-buying.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ni Muyo na kinakausap na niya ang kanyang abogado tungkol sa insidente, at plano niyang kasuhan ang nag-upload ng nasabing video. (Jun N. Aguirre)