ILOILO CITY – Nahalal nitong Lunes sa dalawang bayan sa Iloilo ang posibleng mga pinakabatang alkalde sa bansa.

Kapwa 22-anyos sina Braeden John “BJ” Biron at Lee Ann Debuque, mga bagong halal na alkalde ng mga bayan ng Barotac Nuevo at Anilao, ayon sa pagkakasunod.

Sina Biron at Debuque ay kapwa anak ng mga pulitiko sa ikaapat na distrito ng lalawigan.

Anak ni Dr. Ferjenel “Ferj” Biron, kahahalal na kongresista sa ikaapat na distrito ng Iloilo, si BJ ay nagtapos sa University of Asia and the Pacific at magiging kapalit ng lolo niyang si incumbent Barotac Nuevo Mayor Hernan Biron, Sr.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Anak naman ni outgoing Anilao Mayor Ma. Teresa Debuque si Lee Ann, matapos na mahalal na bise alkalde ang una.

(Tara Yap)