PROSPERIDAD, Agusan del Sur – Patay ang isang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) nang maka-engkuwentro ang mga militar sa Barangay San Jose, Prosperidad, Agusan del Sur, iniulat kahapon.

Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, public information officer ng 401st Brigade ng Philippine Army, tumagal ng 30 minuto ang bakbakan ng 3rd Special Forces at 40 miyembro ng Guerilla Front Committee 8 ng NPA, sa Purok 9 ng nasabing barangay.

Narekober ng mga sundalo ang bangkay ng isang rebelde at naaresto ang isa pang kasamahan nito, gayundin ang isang AK-47 at isang M16 rifle ng mga kalaban. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog