ramirez copy

Hindi maiiwan ang sports sa liderato ng nakaambang bagong pangulo na si Digong Duterte.

Ito ang tiniyak ni dating Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Leon ‘Binggoy’ Montemayor batay na rin sa ipinadamang pagkalinga nito sa programa ng sports sa Davao City.

“For years, hindi pinabayaan ni Mayor (Duterte) ang sports sa Davao. In fact, ang sports nga ang isa sa binibigyan ng prioridad dito sa amin,” pahayag ni Montemayor, isang Class A golfer at badminton enthusiast.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Actually, he was already quoted during interviews that he will take care of the national athletes and the Philippine sports in general,” sambit ni Montemayor.

Isa sa mga respetadong businessman/sportsman sa Davao City, kabilang si Montemayor sa matunog na pangalan na mangangasiwa sa Philippine Sports Commission (PSC) na kasalukuyang minamanduhan ni Richie Garcia.

Bukod kay Montemayor, kandidato rin si William ‘Butch’ Ramirez, kabilang sa campaign team ni Duterte, gayundin si dating South Cotabato Gov. Manny Pinol.

Sina Montemayor at Ramirez ay kapwa nakapaglingkod sa PSC sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at malinis ang record ng kanilang paninilbihan bago napalitan ng grupo na malapit kay dating Tarlac Congressman Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“The Philippines won the overall title during the 2005 SEA Games but since then, bumagsak yung performance natin,” sambit ni Montemayor, na nagbalik sa pribadong pamumuhay sa kalagitnaan ng 2007.

“With a President like Mayor Duterte leading us, I’m sure, hindi maiiwan ang sports. Siguradong, mas mapapalakas ang programa,” ayon kay Montemayor.

Naiwan sa kangkungan ang sports sa administrasyon ni Pangulong Aquino at lutang ang kawalan ng pagtingin sa mga atletang Pinoy bunsod ng pagtanggi nitong dumalo sa bawat ‘send off’ ng Team Philippines. Sa bawat SONA na ginawa ng administrasyon, ni hindi nabanggit ang sports, gayundin ang pagbibigay pugay sa mga tagumpay ng mga atleta sa international tournament.

“Sa anim na taon, walang nangyari sa sports. From champion kahit sa SEA Games lang yan, ngayon tinatalo na tayo ng Singapore. Kung walang pagbabagong maganap, malamang pati Myanmar talunin na tayo,” pahayag ng isang beteranong coach na tumangging banggitin ang pangalan.

Sa panayam kay Duterte na nailathala sa ilang pahayagan, nabanggit niya na sentro ng kanyang administrasyon ang sports.

“Sports is something that will build the muscle of the nation. Sports [instills] discipline. It’s part of growing a paradigm for young women or real men,” pahayag ni Duterte na lumabas sa online story ng Rappler.

“I-se-separate ko ‘yan. Parang dati na Department of Education, Culture and Sports, pero I am inclined to create another authority. I want sports and sports only sa opisina na yun,” aniya.

Sa pangangasiwa ni Ramirez, dating PSC chairman, tumatag ang programa ng sports sa Davao sa pamamagitan ng Sports Development Division-City Mayor’s Office (SDD-CMO).

“Mayor Duterte has always been an advocate of sports promotion and champion of the athletes,” sambit ni Ramirez.

“Through this program, the young athletes of Davao City will also be given the chance to display their skills before our national coaches,” dagdag ni Ramirez. (Edwin Rollon)