Justin copy

NAMATAAN si Justin Bieber, 22, sa Storyville nightclub sa Boston, bahagi ng kanyang travel schedule para sa Purpose World Tour, nitong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng concert niya sa TD Garden. Nakita siya pagkaraan ng dalawang araw simula nang makitang matamlay at malungkot habang naglalakbay mag-isa, naglalakad, at namamahinga sa lilim ng isang puno.

Isiniwalat sa ET ng tagapagsalita ng nightclub na namalagi sa venue ang Sorry singer ng dalawa’t kalahating oras sa venue kasama ang malalapit na kaibigan. Nang dumating si Bieber, siya ay “reserved with his friends in the corner of the nightclub,” ngunit nauwi sa pagbili ng tequila at vodka shots na umabot sa halagang $2,400.

Ito ang dahilan kung bakit siya nagsasasayaw sa bar sa awiting My Love ni Justin Timberlake habang umiinom ng tequila. Nakunang ng mga tagahanga sa bar ang pagsayaw ni Bieber, at hindi nagtagal ay naka-post na sa social media.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nag-check in sa isang hotel suit sa Boston nitong Lunes ng hapon, ngunit sinabi ng isang source sa Four Seasons Hotel Boston sa ET na hindi masyadong nagtagal si Bieber simula nang dumating ito sa nasabing bansa. Ayon pa sa source, mukhang “sad” at “lonely” si Bieber nang makita itong naglilibot sa hall habang nakikinig ng mga awitin gamit ang kanyang headphone noong Lunes ng gabi. (ET Online)