Mayo 13, 1961 nang isinilang ang retiradong professional National Basketball Association (NBA) player na si Dennis Keith Rodman sa Trenton, New Jersey. Una siyang naglaro para sa Southern Oklahoma State University.

Taong 1986 nang napili siya sa ikalawang round ng NBA draft ng taong iyon. Naglaro siya bilang small forward bago naging power forward. Binansagan siyang “The Worm” dahil sa pagiging agresibo sa depensa at mahusay sa pagre-rebound nang naglaro siya para sa Cleveland Cavaliers, Detroit Pistons, San Antonio Spurs, Chicago Bulls, Los Angeles Lakers, at Dallas Mavericks.

Dalawang beses ding ibinoto si Rodman bilang NBA Defensive Player of the Year, at pitong beses na kinilalang NBA All-Defensive First Team.

Taong 2011 nang mapabilang si Rodman sa NBA Hall of Fame.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza