Ano ang Alice in Wonderland Syndrome? Ito ay ang kakaibang pagtingin sa tunay na sukat ng isang bagay. Hango sa kilalang children’s story.

Madalas na makaranas nito ay ang mga bata, pero maaari rin itong maranasan sinuman habang nagkakaedad. Marami ang nagsasabi na nagkaroon sila ng AIWS noong bata pa sila pero unti-unti rin umanong nawala sa kanilang teenage years.

Karaniwan itong nararanasan sa gabi. Ang madalas na sintomas nito ay ang altered body image: ang pasyente ay naguguluhan sa tunay na sukat at hugis ng kanilang katawan. Kadalasang ang mga parte ng katawan na sa tingin nila ay lumalaki ang mga kamay at ulo; mas kapansin-pansin kasi ang paglaki kaysa pagliit. Ang medical term na ito ay tinatawag na “metamorphosis”.

Mga sintomas:

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pananakit ng ulo, temporal lobe epilepsy, epstein-barr virus na puwedeng magdulot ng infectious mononucleosis, o kilala rin sa tawag na “glandular fever” o “mono”

Paghingi ng tulong kapag inatake ng AIWS:

Haggang ngayon wala pang gamot para sa AIWS, pero may mga paraan para maiwasan ang mga sanhi nito. Kinakailangang bawasan ang pagkain at maglaan ng panahon para mag-ehersisyo, ‘tulad ng pag-iwas sa dark chocolate, red wine at keso. Matulog ng tama at sapat na oras, iwasan ang hangovers, at sobrang pagod. (Yahoo News/ Health)