PATINDI pa rin nang patindi ang summer heat pero ang mga pamilyang Pilipino, hindi nagpapaawat sa summer outing.

Kung gusto mong maging mas masaya, at mas exciting ang pamilya summer outing ninyo, tutukan ang mga useful at nakakaaliw na tips na isi-share ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning.

Para maging mas sulit ang pag-iimpake ng mga baon para sa outing, abangan ang mga napaka-useful at praktikal na tips na isi-share ng mga bisita ni Marian, ang mga maabilidad na celebrity moms na sina Aubrey Miles at Sharmaine Arnaiz ngayong Huwebes, May 12, 10:30 AM sa nasabing show ni da beautiful Marian Rivera now Mrs. Dingdong Dantes.

Kung kabado ka naman para sa outing dahil ‘di ka pa gaanong confident sa iyong figure, may ipapakita si Marian na iba’t ibang klaseng swimsuit na puwede mong isuot para takpan ang mga dapat takpan at ibida ang iyong best assets.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Huwag palampasin ang masayang bonding tuwing umaga kasama sina Boobay at Marian Rivera sa Yan Ang Morning.

(Mercy Lejarde)