maine at alden copy

TAMANG inayos muna ng APT Entertainment at ni Direk Mike Tuviera ang mga papeles at legalidad ng shooting sa Italy ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, kaya walang problema at hindi patagu-tago ang shoots nila ng mga eksena.

May nagpadala sa amin ng copy ng short article tungkol sa shooting nila roon na translated na from Italian to English. Ang hindi lang namin naintindihan ay ang article sa isang Italian newspaper na naka-post ang picture ng magka-love team sa first shooting day nila roon. Narito ang translated short article:

In Como the stars of Philippine cinema shooting center filmed the first scenes in the Piazza Cavour and on the lakefront.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“A Filipino feature film began shooting today in Como produced by APT Entertainment, a leading film production company and television in the Philippines.

The first scenes were shot this morning in Piazza Cavour and in the afternoon on the lakefront with Michael B. Tuviera, the director and the actors, AlDub couple Richard R. Faulkerson Jr. and Maine Mendoza.

The crew is composed of more than 35 people and will remain in the city until May 18, then it will move on Lake Como where it will remain until the end of the month.

The title, still provisional, of the film is Imagine You and Me.

The Municipality of Como, as part of film commissions, guaranted to shoot the necessary technical and organizational support.”

Ibig sabihin, kahit saan sila mag-shooting sa Como, walang sisita sa kanila dahil guaranteed ito ng pamahalaan ng Como at ng kanilang film commissions.

Ayon sa Google, ang Lake Como ay nasa Northern Italy, mas malamig ang weather doon, na umaabot hanggang 11 degrees centigrade. Nasa lugar na iyon ang magagandang villas at iba pang tourist attractions, na hindi pa masyadong nakikita sa pelikula. Mayroon nga raw villa sa Lago de Como si George Clooney at magbabakasyon daw doon sina Brad Pitt at Angelina Jolie this summer.

Tuluy-tuloy pa rin ang dating ng fans nina Maine at Alden, at hindi sila nalalayo dito sa bansa, dahil ang tinutuluyan nilang Hotel Metropole Suissa Italy ay dinudumog din ng fans. Mukhang okey lang naman sa hotel na nakabantay sila sa labas, para makita sina Alden at Maine.

May mga naghahanap ng posts ng sweet poses nina Alden at Maine, kaya mga off-camera shoot lang ang pinu-post nila tulad nang moment nina Maine at Alden sa harap ng Lake Como, at afar, nakita nila kung paano tulungan ni Alden si Maine bago ang shoot nila, na hindi nila nilalapitan. Pero marami ring moments ang fans sa dalawa, at maging ang Italians na kasama yata sa shooting ay aligaga ring makipag-photo-op sa kanila.

Bawal sa mga fans na kumuha ng mga eksena sa shooting, at sumusunod naman sila dahil binabantayan sila ng admin ng kanilang fans club. (NORA CALDERON)