ECHAGUE, Isabela - Isang ginang na iniulat na nawawala ang natagpuang nabubulok na ang bangkay sa Sitio Lusud, Barangay Garit Norte sa bayang ito.

Kinilala ng Echague Police ang biktimang si Marcela Ballad, 67,may asawa, ng Bgy. Maligaya, Echague, Isabela.

Dakong alas 6:30 ng umaga ng May 11, 2016 nang makita ng barangay tanod ang bangkay ng matanda sa Sitio Lusud, Bgy. Garit Norte sa Echague.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng matanda, na iniulat na nawawala ilang araw na ang nakalipas. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?