Ilalabas na ng Philippine National Police (PNP) ang hatol nito sa apat na heneral na inaakusahan ng pamumulitika.

Sinabi ni PNP chief Police Director General Ricardo Marquez na ilalabas sa Biyernes ang desisyon ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), sa ilalim ni chief Police Director Benjamin Magalong, sa apat na heneral na nasasangkot sa partisan politics.

Iniimbestigahan sina Police Director Generoso Cerbo, Chief Supt. Reinier Idio, Chief Supt. Ronald Santos at Chief Supt. Bernardo Diaz kaugnay sa diumano’y pakipagpulong sa isang staff ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

(Fer Taboy)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga