ALAMINOS CITY, Pangasinan - Inireklamo ng isang pastor ang isang security aide ng isang alkalde matapos umano itong magsimula ng gulo at manutok ng baril sa Barangay Victoria sa siyudad na ito.

Agad naman nirespondehan kahapon ng Alaminos City Police at ng Quick Reaction Team (QRT) ng Philippine Army 702IB si Pastor Rodrigo Collado, BPATS Chaplain Western Pangasinan Chapter.

Nauna rito, nakatanggap ng text message ang pulisya, at nakasaad: “Sir, baka puwede kami patulong sa media at pulis.

Nagkakagulo dito ngayon sa Victoria Alaminos. Nanutok mga security ni (Mayor) Art Celeste, sir”.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, hindi na naabutan ng mga pulis ang suspek. (Liezle Basa Iñigo)