TALAVERA, Nueva Ecija - Milya-milya ang naging lamang ni incumbent Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez laban kay dating Mayor Manolito Fausto sa katatapos na halalan.

Opisyal na iprinoklama ng Municipal Board of Canvassers si Martinez, gayundin ang re-electionist din na bise alkalde niyang si Jun-Jun Rodiel, na opisyal na inihalal sa Talavera matapos silang makakuha ng 37,602 at 40,598, ayon sa pagkakasunod.

Landslide victory ito para kay Martinez, mula sa 53 barangay ng bayang ito, habang nagwagi namang konsehal sina Amador Allan Reyes (35,421), Ryan Arvin Villanueva (34,065), Angelina Soleta (28,340), Reynaldo Baldedara (27,389), Gerald Fermin (25,203), Florentino Balmater (25,237), Mark Renielleo Rayo (21,495), at Manolito Silva (21,488).

(Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?