Kris copy

BAGO pa sumapit ang election day noong Lunes ay may mga nakikita na kaming naka-post na mga maleta sa kampo ni Kris Aquino kaya’t alam naming paalis na naman siya ng bansa kasama sina Josh at Bimby.

Nabanggit na ito sa amin ni Kris kamakailan pero nakiusap na i-off-the-record muna namin para hindi siya mapangunahan. Pero knowing the Queen of All Media, agad din naman niya itong ipinaalam sa publiko.

Sakto, pagkatapos niyang bumoto noong Lunes sa District 3 ng Quezon City Precinct 3990B, muli siyang nag-post pagkalipas ng ilang oras na nasa airport na silang mag-iina kasabay ng pagpapakita sa inaayos nilang bahay.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ang post niya, “I promised my KrisTV viewers I’d share w/ you our new home -- no more show but I’m keeping the promise, medyo matagal pa... I’ve always said, my sons & I wouldn’t have what we have now had it not been for the 20 years you allowed me to be part of your daily viewing. I thank my home network ABS CBN, and all our past & current endorsements for the trust & the opportunities to be a part of your lives. Maraming Salamat. Much love & gratitude to all of you. Kris Aquino, signing off.”

At nag-post din ang Kris TV staff ng, “No goodbyes see you around, see you soon.”

Dalawang buwan magbabakasyon ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby sa ibang bansa kaya sa July na sila makakauwi.

E, di ba bossing DMB, kakabakasyon lang nila sa Hawaii?

Anyway, may narinig naman kami na dalawang buwan daw kasing gagawin ang bagong bahay nina Kris at as of now ay wala silang matirhan dahil ang dating bahay na tinitirhan nila ay nabili na at kailangan na nilang lisanin ang lugar.

Kung totoo ito, oo nga naman, saan titira ang mag-iina sa loob ng dalawang buwan? Alangan naman nakahotel sila? E, di mangibang-bansa na nga lang naman.

Sa pagbabalik na lang din ni Kris sa Hulyo sa Pilipinas malalaman kung ano ang bago niyang programa sa ABS-CBN.

(Reggee Bonoan)