Mayo 11, 1997 nang matalo ng IBM computer na “Deep Blue” ang chess legend na si Garry Kasparov matapos ang 19 na moves ng huli, sa kanilang ikaanim at huling chess game sa New York. Sa huling tally ng sagupaan, makikitang dalawang beses nanalo ang “Deep Blue”, isa naman ang napanalunan ni Kasparov, at may tatlong draw.
Mahusay na chess player si Kasparov simula pa noong bata siya, at siya ang kinilalang pinakabatang chess champion sa mundo. Una niyang nilabanan ang “Deep Blue” noong 1996, nagpamalas ng kakaibang mga estratehiya, katulad ng “wait-and-see” technique.
Simula 1950s, laging lumalahok ang mga IBM computer scientist sa chess game algorithms. Sinimulan ni Feng-hsiung Hsu, Carnegie Mellon University graduate, ang pagpapaunlad sa chess-playing na “ChipTest,” noong 1985.