Serena Williams, Venus Williams

ROME (AP) — Naghahanda na ang magkapatid na Serena at Venus Williams para sa panibagong tagumpay sa Olympics.

Sisimulan ng tinaguriang ‘winningest team’ sa kasaysayan ng tennis sa Olympics ang paghahanda sa kanilang pagsabak sa Italian Open ngayong weekend. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak bilang magkasangga sa women’s double event ang magkapatid mula noong 2014 U.S. Open.

“Obviously we would love to play in the Olympics. I love playing with Venus. She’s the best partner, and hopefully she feels the same about me. We make a great team,” pahayag ni Serena.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

“Hopefully we’ll be able to at least win a couple of matches here, just shake off the dust and keep playing.”

Tangan ng magkatid ang tatlong gintong medalya sa doubles event nang magkampeon sa 2000 Sydney, 2008 Beijing at 2012 London Games. Nagkampeon din ang magkapatid sa singles event — si Venus sa 2000 at si Serena sa London.

Makakaharap ng magkapatid bilang wild card entry ang tambalan nina Andreja Klepac at Katarina Srebotnik ng Slovenia at posibleng makasagupa sa finals ang top-seeded na sina Martina Hingis at Sania Mirza.

“The doubles teams have gotten really good, so we look forward to it,” sambit ni Serena.