Hinihimok ng ilang mambabatas ang kanilang mga kabaro na imbestigahan ang napipintong pagsasara ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital Medical Center, sinabing maaari itong magresulta sa “further strangulation of the country’s maternity health care system.”

Sinabi nina Bayan Muna Party-list Reps. Carlos Isagani Zarate at Neri Colmenares na ang nakaambang pagsasara ng Fabella Hospital ay magreresulta sa pagkakaantala ng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente sa pangunahing maternity hospital sa bansa.

Pinangunahan ni Zarate ang paghahain ng House Bill 2699 para magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Health tungkol sa napipintong pagsasara sa Fabella Hospital, iginiit na isa itong malinaw na paglabag sa karapatan ng mamamayan sa serbisyong pangkalusugan, partikular na ang mahihirap.

Inaaruga ng Fabella Hospital ang mahigit 2,000 pasyente kada araw, karamihan ay mga ina at kanilang mga sanggol.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

“Where would these mothers and their children go if Fabella closes down? Existing hospitals, cramped as they are, have no capacity to take in the inrush of expectant mothers. This is tantamount to a violation of the right to health, of no less than vulnerable women and children,” sabi ni Zarate.

Dagdag pa niya, nasa 1,000 doktor, nurse at health worker ang maaapektuhan sakaling tuluyang maipasara ang Fabella. (Charissa M. Luci)