SUOT pa rin ni Ozzy Osbourne ang kanyang wedding band.

Nakita ang rock legend sa Los Angeles noong Lunes, suot ang kanyang wedding ring, matapos mabalitaang tinapos na nila ng kanyang asawa na si Sharon Osbourne ang kanilang 34 na taong pagsasama bilang mag-asawa dahil nangangaliwa umano si Ozzy at ang sangkot na third party ay ang hairstylist na si Michelle Pugh.

Kapansin-pansin ang pagmamadali ng 67 taong gulang na si Ozzy, ayon sa source ng ET at ito ay, “Looked a little surprised at the attention. He was not in a bad mood, but did look a little bit sad.”

Ayon pa sa source, dumalo si Ozzy sa isang pagtitipon kasama si Pugh, 45, isang colorist sa Meche Salon sa Beverly Hills, California, na kliyente sina Ozzy, Sharon pati na ang kanilang mga anak na sina Kelly at Aimee Osburne, “This has been particularly hard on the family, especially Kelly.”

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

“There are concerns that Ozzy will be lost without Sharon, because he relies on her for everything” pahayag pa ng source.

Tikom man ang bibig ni Ozzy sa hiwalayan, usap-usapan din na bumalik umano ito sa kanyang mga bisyo na agad naman niyang itinanggi.

“I have been sober for three and a quarter years,” sabi niya sa E News! “I have not touched drugs or alcohol in that time. Any reports that I am not sober are completely inaccurate.”

Inaasahang makikita ng publiko si Ozzy sa movie screening ngayong Huwebes sa Hollywood Palladium.

Noong Lunes, napansin na wala sa The Talk si Sharon. Ayon sa kanyang co-host na si Julie Chen: “Sharon understandably took today off. We are sending all of our love to her and to her family and we ask that you do the same.”

Samantala, ayon sa isang source nagtatrabaho sa salon, “It was known in the salon [Ozzy and Pugh] were a little too close,” at idinagdag pang, “Michelle is super into rock/metal music, so they bonded over that. Still, it’s weird.

He’s nearly 70 and a client. She knows better that to do this.” (ET Online (Isinalin ni Ann-Gella Patricia F. Agnes.)