Luis & Alex copy copy

KAWAWANG Alex Gonzaga, naba-bash ng fans nina Luis Manzano at Angel Locsin na ang dahilan kang naman ay close siya sa TV host-actor.

Pinag-iisipang may “something” ang dalawa dahil madalas magkasama at kahit “ate” ang tawag ni Luis kay Alex, iba pa rin ang naiisip ng mga nagseselos na fans nina Luis at Angel.

Tuwing nagpo-post si Luis ng picture nila ni Alex sa Instagram, asahan kahit may kinikilig ay meron ding malulungkot at kasunod noon, may mamba-bash na kay Alex.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kasi naman, present si Luis sa special day ni Alex gaya ng book signing ni Alex at kamakailan lang, nag-lunch pa ang dalawa at nakita pa sila ni KC Concepcion.

Para saan daw ang lunch kung wala silang “something”? May mga ayaw maniwalang close friends lang ang dalawa at ang close friend ay nagdi-date rin at kasama roon ang mag-lunch together.  

In fairness, may mga kinikilig din kina Luis at Alex at aprub sa kanila kung sakaling si Alex ang ipalit ni Luis kay Angel. Bagay daw sila dahil parehong madaldal, makulit at komedyante. Marami ang nag-uudyok kay Luis na ligawan na si Alex.

Kaya lang, unang niligawan ni Luis si Ate Toni (Gonzaga) ni Alex kaya hindi pabor ang iba na ang bunsong kapatid naman ang liligawan ni Luis.

Pero paano ‘yun kung magkadebelopan nga sina Luis at Alex? (Nitz Miralles)