Enrique, Liza & Matteo copy

KAHIT super init ay super dami pa rin ng mga tagahanga na sumugod sa Luneta Park nang ganapin ang kick-off show ng Dolce Amore Destiny Tour.

Siyempre present ang mga bidang sina Liza Soberano at Enrique Gil plus ang iba pa sa cast na kinabibilangan nina Sunshine Cruz, Andrew E, at iba pa.

Ala-una pa lang ng hapon kainitan talaga ay napaligiran na ng fans ang venue. Isa-isang pinalakpakan ang stars lalung-lalo na nang lumabas na sina Liza at Enrique.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Nakakatuwa naman talaga dahil ibig sabihin noon, lahat ng nandito ngayon sa Luneta, eh, nanonood ng show namin.

Sobrang happy kami at it feels really good na maraming sumusuporta sa show namin,” banggit ni Enrique. 

Sabi naman ng katambal niyang si Liza Soberano, bilang ganti sa mainit na pagsuporta sa kanila ng fans ay ginagawa nila ang lahat para lalong mapaganda ang show nila. 

“Gabi-gabi talaga, eh, pinaghihirapan namin at talagang pinapaganda namin ang show namin for them. We’re just happy that all the hard work pays off,” sabi pa ng isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz. 

Ang show nila sa Luneta ay first leg pa lang ng gagawin nilang Destiny Tour. Kaya marami pang aabangan ang mga fans nila hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ayon naman kay Sunshine Cruz, ang tumawag sa amin para saksihan ang nasabing show sa Luneta, tiyak na masasabik pa nang husto ang viewers ng Dolce Amore. Isa rito ang pagtungo niya sa Italy para ibinunyag na siya ang tunay na ina ni Liza sa palabas. 

“Very proud and happy naman ako dahil sobrang maganda na pag-aalaga nila sa akin. Biro mo naman nakarating ako mismo ulit sa Italy kahit isang araw lang, eh, ibang klaseng experience na rin naman ‘yun sa akin,” sey ni Sunshine. 

Samantala, nagpaliwanag sina Liza at Enrique sa photo nila na nag-viral sa social media dahil binigyan ng malisya.

Kuha pala sa shoot ng Station ID ng Dos ang nasabing larawan na makikitang pinoprotektahan ng aktor ang dibdib ni Liza.

Bagamat hindi naman nakadikit ang kamay ni Enrique, pinalalabas ng bashers na nakahawak daw siya sa dibdib ng dalaga.

Sinasamantala raw ni Enrique ang pagkakataon para makahawak sa maselang bahagi ng katawan ni Liza.

Ang katwiran ni Liza, prinotektahan lang naman siya ng ka-love team niya.

“Kasi, whenever we go on tours or something, when there’s a lot of people, they tend to grab me in my chest area. He was just covering me from them. Sabi pa nila, nakasimangot ako kasi hinawakan niya ako, ‘tapos, tuwang-tuwa pa siya,” eksplika pa ni Liza.

Ipinakita na sa Tonight With Boy Abunda ang kuha sa ibang anggulo ng nasabing pangyayari, malayo ang kamay ni Enrique sa katawan ni Liza. (JIMI ESCALA)