Direk Erik & Anne copy

NITONG nakaraang Huwebes, nagulat ang ilang supporters ni Anne Curtis nang mag-post siya sa Instagram ng larawan nila ni Direk Erik Matti. 

Sa kanyang caption, inihayag ni Anne na makakatrabaho niya ang batikang direktor sa isa nitong projects. Knowing na si Direk Matti ay matagal nang namomroblema sa paghahanap ng gaganap na Darna sa kanyang superhero film, inakala ng netizens na baka si Anne na ang napiling gumanap sa bagong movie version ng Darna.

Bago pa man lumaki ang isyu, nilinaw ni Anne sa media after niyang mag-renew ng contract sa ABS-CBN na hindi siya gaganap bilang Darna, dahil ibang project ang gagawin nila ni Direk Erik.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“No hindi siya Darna,” pahayag ni Anne tungkol sa gagawin nilang pelikula.

Nilinaw ng aktres na kakaiba ang gagampanan niyang role kumpara sa mga dati na niyang nagawa sa pelikula man o sa telebisyon.

“It’s something I’ve never done before, sobrang-sobrang excited talaga to start filming already. We’re gonna start mga July. It’s definitely another side of me that I’ve never done before,” deklara ng It’s Showtime host. 

Pag-uwi pagkatapos dumalo sa kasal ng kaibigang si Solenn Heusaff sa foreigner boyfriend nito sa France sa May 21, maghahanda na si Anne para sa movie project nila ni Direk Erik Matti.

“There’s a lot of training. Maa-announce na ‘yun siguro when I get back from Solenn’s wedding. Magsa-start na ang training for that new film,” sabi pa ni Anne. (ADOR SALUTA)