Lumagda ang tatlo sa limang kandidato sa pagkapangulo sa isang kasunduang nagsusulong sa kapakanan ng mga manggagawa, na nilikha ng isa sa pinakamalalaking alyansa ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Lumagda sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe, at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa kontrata ng nagkaisa, isang koalisyon ng 49 na pangunahing lokal na grupo ng mga manggagawa sa bansa, bilang pangako na magpapatupad sila ng mga reporma na magpapaangat sa kabuhayan ng mga manggagawang Pinoy.

Bagamat kapwa nanindigan laban sa contractual employment, hindi pumirma sa kontrata sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Miriam Santiago.

“While only 3 of the 5 presidential candidates have formally signed our proposed ‘anti-endo contract,’ we are elated that contractualization work scheme is among the primary social issues that is being advocated by all the presidentiables, which will influence the outcome of the May 9 national elections,” saan sa pinag-isang pahayag ng nagkaisa.

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

Nakasaad sa apat na pahinang kontrata ang mga probisyon sa: pagbibigay-tuldok sa contractualization, pagkakaroon ng sapat na suweldo, pagpapabuti ng kalidad ng serbisyong publiko, pagreporma sa labor law compliance system at pagtukoy na krimen ang mga paglabag sa basic labor standards at occupational safety and health standards, pagtiyak sa mga karapatan ng mahihirap sa siyudad, pagkakaloob ng full employment, regular na diyalogo sa sektor ng paggawa, at pagtatalaga ng isang presidential adviser on labor concerns.

Sa pamamagitan ng kontrata, ayon sa nagkaisa, maaari nilang papanagutin ang mga lumagda rito sakaling hindi makatupad sa mga probisyon.

Una nang sinabi ng koalisyon na hindi ito mag-eendorso ng sinumang presidentiable, bagamat hayagang sinuportahan ng ilang miyembro nito, ang Associated Labor Unions (ALU) at Philippine Trade and General Workers Organization (PTWGO), ang kandidatura ni Duterte.