SAN JOSE, Tarlac - Dalawang driver ng motorsiklo ang nasawi matapos silang magkabanggaan sa Barangay Lawacamulag sa bayang ito, na ikinasugat din ng isa pang tao.

Kapwa agad na namatay sina Oliver Lambonicio, 38, driver ng Honda TMX 155 motorcycle (SX-5475), ng Bgy. Iba, San Jose; at Rodolfo Agustin, 45, driver ng Motorstar tricycle (IU-1978), ng Bgy. Maamot, San Jose, Tarlac.

Grabe namang nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan si Magdalena Agustin, 42, sakay sa tricycle ni Agustin, at ginagamot siya sa Tarlac Provincial Hospital. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog