RYAN CHRISTIAN AT LUIS LANG_please crop copy

MASAYANG kinumpirma ni Ryan Christian Santos Recto na may girlfriend na siya.

“Magtu-two years na po kami,” sabi ng binata na sinabayan ng ngiti nang makausap namin kamakailan.

Hindi taga-showbiz at hindi rin galing sa political clan ang kanyang girlfriend na isang simpleng babae na tanggap ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang ina na si Batangas Gov. Vilma Santos.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Opo, naipakilala ko na kay Mama ang girlfriend ko,” sabi ng binatilyo.

So, ibig sabihin, uunahan na niyang mag-asawa ang kanyang Kuya Luis (Manzano)?

“Hindi po, dapat siya ang una dahil siya ang kuya ko,” napahalakhak na sagot ni Ryan.

Nang tanungin tungkol sa reaction niya sa hiwalayan nina Luis at Angel Locsin, sinabi ni Ryan na close ang kanilang pamilya kay Angel. Maging siya raw ay malapit sa kanyang Ate Angel, gustung-gusto niya ito dahil napakabait sa kanya at kasundo niya.

“Sobrang bait po ni Ate Angel, pero ayoko pong magsalita sa paghihiwalay nila kasi sila po ang may alam kung ano ang dahilan nu’n,” sabi ng bagets.

Pero inamin niyang nagulat siya nang mabalitaan niyang break na ang dalawa, pero wala siya sa posisyon para panghimasukan ang isang bagay na hindi naman siya involve.

Pero inamin ng guwapong anak nina Ate Vi at Sen. Ralph Recto na madalas niyang biruin ang kanyang Kuya Luis na mag-asawa na dahil gusto na niyang magkaroon ng pamangkin.

“Opo, sinasabi ko kay Kuya na mag-asawa na siya, ha-ha-ha-ha!”

Para makapag-asawa na rin siya?

“Hindi po. Masyado pa akong bata. Hindi pa puwede!” salag niya.

Habang nagsasalita, pinagmasdan namin si Ryan Christian. Guwapo at malakas ang appeal ng binata ni Ate Vi.

“Hindi po. Ayoko pong mag-artista, pero ayokong magsalita nang patapos, ayokong i-close ang door. Baka mamaya sabihin kong ayoko ‘tapos gagawa din pala ako ng movie, ha-ha-ha. Basta open ako sa lahat.”

Pero aminado si Ryan na enjoy siya sa pagsama-sama sa mga lakad nina Ate Vi at Sen. Ralph na may kinalaman sa pulitika.

“Nakakatuwa po kasi, ‘yun bang alam mong may nagagawang tulong ‘yung mga magulang mo sa mga taong nangangailangan.

Ayoko pong sabihing papasok ako sa politics pero hindi ko po ‘sinasara ang doors ko sa usaping iyon.”

Sa kilos at pananalita, obvious na ngayon pa lang ay tini-train na siya ng kanyang mga magulang kung paano maging magaling na leader ng bayan. Sa katunayan, marami na ang natutuwa kay Ryan dahil bukod sa marunong siyang humarap at magpasalamat sa mga tao ay marunong din siyang humanap ng kiliti ng nakikinig sa sinasabi niya.

“Dito sa bahay kahit noong bata pa ‘yang si Ryan hindi siya tulad ng ibang bata na ang lahat inaasa sa mga yaya. Si Ryan sobrang bait sa amin niyan, nakuha niya ang ugali ni Ate Vi at ni Senator Ralph,” kuwento ng isang kasambahay nina Ate Vi na aming nakausap.

“Nandidito na ako sa kanila mula pa nang ipinanganak si Ryan. Nakita ko kung paanong lumaki iyan. Hindi siya tulad ng ibang bata na porke mayaman ay hindi na nakikipaglaro sa kanyang kapwa bata. Si Ryan kahit sinong bata kinakalaro niya. Wala siyang pinipili. Ganu’n siya kabait,” sabi pa ng aming kausap.

Matalino si Ryan at makikita na agad ngayon pa lang na magiging mahusay at mabuting politician siya someday, dahil kahit ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig ay mapagkumbaba siya.

Pinagmasdan namin siya kung paano makipag-usap sa mga kababayan nila sa Lipa City, walang anumang yabang at puno ng pagpapakumbaba. (MORLY ALINIO)