Na-hack kahapon ang official website ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bilang protesta ng mga hacker sa umano’y “malicious” na political advertisement na isinahimpapawid sa isang national television laban sa isang presidential candidate.

Nagpakilalang “Pinoy Hackers”, pinaratangan ng grupo na bulag ang MTRCB dahil sa tinatawag na “mud-slinging” broadcast sa mga telebisyon.

“Greetings Philippines! We are Pinoy Hackers. Naglabas ng isang paid ad ang isang pulitiko at ito ay ipinakalat ng isang news giant. Anong nangyari sa taga-monitor, tagasalang at tagabantay ng mga ipino-post sa TV at sa print media?

“Ginawa itong MTRCB para magsilbing taga-implementa ng ‘FAIR AND UNBIASED’ reporting ng mga TV, print and movie industry pero nagsawalang-kibo (literal, they turned a BLIND EYE) to that malicious political mud-slinging ad. Ano pang silbi mo, MTRCB? Isa ka rin ba sa mga simpleng nagpapalamon sa pera ng bayan?” bahagi ng pahayag ng mga hacker.

'Sampalin ko siya sa publiko?' FPRRD at Trillanes nagkainitan, inambahan ng mikropono

Hindi direktang binanggit ng mga hacker ang negatibong political advertisement laban sa presidential poll frontrunner na si Mayor Rodrigo Duterte, na sinasabing binayaran ni Senator Antonio Trillanes IV at isinahimpapawid sa ABS-CBN network nitong Huwebes. (Rommel P. Tabbad)