UNITED NATIONS, United States (AFP) – Tinanggap ng Microsoft ang imbitasyon ng UN Security Council para magsalita sa isang special debate ngayong linggo kaugnay ng counter-terrorism at paglaban sa ‘’digital terror’’, sinabi ng mga UN diplomat.

Ang ministerial-level debate sa Miyerkules ay inorganisa ng Egypt, na may hawak ng presidency ng 15-member council ngayong buwan.

Ito ang magiging unang pagkakataon na magtatalumpati ang isang technology company sa Security Council, na tumitindi ang pagkabahala sa paggamit ng Internet at social media para palaganapin ang extremism.

Kinumpirma ng isang tagapagsalita ng Microsoft na isang kinatawan ng software giant ang makikibahagi sa special session, ngunit tumangging magbigay ng detalye.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Nanawagan ang UN panel of experts noong Hunyo sa mga kumpanya ng Internet at social media na kumilos laban sa paggamit sa kanilang mga serbisyo ng mga Islamic State recruiter at iba pang extremist.

Inirekomenda ng mga eksperto sa Security Council na magpadala ng mga imbitasyon sa mga kumpanya ng Internet para magsalita sa organisasyon tungkol sa mga hakbang na kanilang gagawin para mapigilan ang mga maling paggamit na ito.

Sa isang ulat ng council, itinaas ng panel ang alarma sa ‘’growth of high-definition digital terror: the use of propaganda, primarily by Islamic State and its sympathizers, to spread fear and promote their distorted ideology.’’

Naging matalino ang mga recruiter ng IS sa paggamit sa Internet at social media para mangalap ng mga banyagang mandirigma.

Halos 30,000 banyaga ang nagtungo sa Syria, Iraq at iba pang mga bansa upang makipagdigma kasama ang mga jihadist.