Itinutulak ng mga kasapi ng Gabriela Party-list na palawakin pa ang mga batayan para sa paghihiwalay o legal separation ng mag-asawa, alinsunod sa Article 55 ng Family Code of the Philippines.

“Legal separation is one of the existing tools under the Family Code which a woman suffering from an abusive spouse can opt to use to get out of an atrocious relationship,” ayon kina Gabriela Reps. Emmi A. De Jesus at Luzviminda C. Ilagan.

Isinusulong nina De Jesus at Ilagan ang pagpapatibay sa HB 5238 (An Act expanding the grounds for legal separation, amending for the purpose Article 55 of the Family Code of the Philippines) na nakabimbin ngayon sa Committee on Revision of Laws.

Nilinaw ng dalawang babaeng mambabatas na sa legal separation, hindi pinawawalang-bisa ang kasal kundi tinutulungan lamang nito ang nagdurusang esposa o esposo na magkaroon ng kaginhawaan o makalaya sa hindi magandang sitwasyon. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, pabirong inilapit si Sam kay Catriona pero dinedma lang