Bonding nina Arjo at Xavi copy

PAHINGA muna yata ang taping ng Ang Probinsyano kaya nagkaroon ng panahon si Arjo Atayde para ipasyal at makasama sa bowling ang bunsong kapatid na si Xavi.

Matagal nang pinangakuan ni Arjo si Xavi na magbo-bowling sila pero biglang nakakansela ang lakad nila dahil biglang nagkakaroon ng taping ang aksiyon serye.

Inakala ni Arjo na okay lang iyon sa kapatid, hindi niya alam na nagtatampo na pala ito sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagulat na lang daw ang mommy nilang si Sylvia Sanchez nang magsabi ang bunso niya ng, “I hate Kuya Arjo, I don’t like him anymore. He always makes promises and always broke it. I don’t like him na.”

Kaya pala nakita namin ang post ni Sylvia noong isang araw na naglalaro ng bowling sina Arjo at Xavi.

“Brother bonding! After the bowling date of Xavikok (tawag ni Ibyang sa bunso niya) with his kuya @arjoatayde, when they came home, Xavi went straight to my room and shouted I love Kuya Arjo, I had fun, I’m happy mom, priceless, huh. Thank u Kuya Arjo for spending time with Xavikok. Ang yabang-yabang ni Xavi na nagsabing I won by 9 points over kuya, ha ha ha. Ang bata nga naman, ang bilis i-please at ang sarap kasama. Nakapaglakwatsa kasi walang taping si Kuya.”

Close sa bawat isa ang mga anak nina Ibyang at Papa Art Atayde at ilang beses na namin ito nasaksihan.

Minsan nga kapag abala ang aktres sa tapings niya at may kailangan sa eskuwela ang ikatlong anak na si Gela ay si Ria ang nag-aasikaso. Thankful ang mag-asawang Art at Sylvia sa mga anak nila dahil kahit wala sila pareho sa bahay ay may napagbibilinan sila.

“’Yun nga lang, hindi ko na masyadong nakakasama sa biglaang lakad sina Arjo, Ria at Gela kasi may mga kani-kanila na rin silang lakad, kaya madalas si Xavi lang ang nabibitbit ko.

“Sinasamantala ko nang ‘sinasama lagi si Xavi kasi darating din ang araw na ‘pag nagbinata o binatilyo na ‘yan, may sarili na ‘yang mundo. Kami na lang ng asawa ko ang maiiwan sa bahay,” kuwento ng aktres.

Magkakasama silang magpapamilya sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayon, timing na tuwing araw ng Linggo ay family day nila na kung minsan ay absent si Arjo dahil may taping o may out of town show. (REGGEE BONOAN)