Pinaghahanap na ngayon ng batas si dating Malabon-Navotas Rep. Alvin Sandoval kaugnay ng kinakaharap nitong malversation of public funds, na aabot sa P30 milyon.

Ito ay matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa dating kongresista.

Ang kaso ay nag-ugat sa hindi maipaliwanag na pinaglaanan ni Sandoval ng kanyang pork barrel fund noong kongresista pa siya.

Nahaharap din si Sandoval sa tatlong bilang ng paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Pratices Act) at tatlong malversation.

Politics

Duterte, puwedeng palayain pansamantala habang dinidinig ang kaso pero may kondisyon —abogado

Ayon sa korte, ginamit ni Sandoval ang nasabing pondo sa mga kuwestiyonableng proyekto noong 2007-2009.

(Rommel P. Tabbad)