060516_PBA FINALS PRESSCON_01_BALMORES copy

Laro ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

7 pm Alaska vs Rain or Shine

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

Bakbakan na sa Game 1!

Agawan sa unang panalo ang kapwa uhaw sa kampeonato at halos may iisang sistema na sinusunod sa laro na Alaska at Rain Or Shine sa paghaharap ngayong gabi sa Game One ng Best-of-Seven Championships ng 2016 PBA Commissioner’s Cup, sa Araneta Coliseum.

Sisimulan ng E-Painters at Milkmen ang kanilang best-of-7 finals series sa ganap na 7:00 ng gabi kung saan ang koponang makakapag- execute ng maayos ng kanilang transition game ang inaasahang lalapit sa pagsungkit sa korona ng import-reinforced na komperensiya.

Kapwa kilala ang dalawang koponan sa kanilang hustle at depensa na siyang naging tatak na ng Elasto Painters mula ng pamunuan ni coach Yeng Guiao na inamin ni Aces coach Alex Compton na kanyang kinopya.

“A lot of what coach Yeng Guiao does is cut, copy, paste in the sense of what I do,” pahayag ni Compton sa panayam ng Spin.ph.

“He has a system that we have, in a lot of ways, tried to emulate ourselves,” sabi nito.

Kasabay nito ay inamin din ni Compton na malaki ang lamang sa kanya ni Guiao pagdating sa karanasan.

Hindi aniya matatawaran ang 26 na taong karanasan ni Guiao bilang coach na pinalamutian ng anim na kampeonato.

Para naman sa kanyang mga players, hindi alintana ng Aces na wala silang pahinga matapos umabot ng Game 5 ang kanilang semifinals series kontra sa Meralco Bolts.

Katunayan, puwede rin anilang pumabor ito sa kanila na di gaya ng sinasabi ng maraming magiging problema para sa kanila dahil napagod sila nang husto.

“Yun nga ang maganda para ma- maintain mo yung consistency mo sa sarili at sa team,” sabi ni Calvin Abueva.

Inihayag pa ni Abueva na hindi rin problema para sa Aces ang pagkawala ng mga key players na sina Jayvee Casio at Vic Manuel dahil isang koponan silang naglalaro.

Aantabayanan din ng PBA fans ang tapatan nina imports Rob Dozier ng Aces at Pierre Henderson- Niles ng Elasto Painters na dating magkakampi sa University of Memphis. (marivic awitan)