Ibinunyag ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Alfredo S. Lim na nakatanggap siya ng impormasyon na inilalatag ngayon ang tinaguriang ‘Oplan Indelible Ink’ sa ilang lugar sa siyudad na kilalang balwarte ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas at maging ni Lim.

Ayon sa naturang impormasyon, may mga taong umiikot sa mga lugar na mayaman sa boto, gaya ng Baseco Compound, upang kumbinsihin ang mga residente na magpalagay ng indelible ink sa daliri kapalit ng P3,000 bawat isa, upang hindi na sila bumoto.

Ayon pa sa impormasyong nakarating kay Lim, ang naturang plano ay ‘cherry on top’ lamang sa ilan pang paraan ng pamimili ng boto na ginagawa, tulad ng pamamahagi ng malaking halaga ng pera at grocery items, na aniya’y tumitindi habang papalapit ang eleksiyon sa Lunes.

Kaugnay nito, mahigpit ang panawagan ni Lim sa mga nasabing residente na inaalok ng pera at kung anu-ano pa na tanggapin ang mga ito subalit iboto pa rin ang kanilang napupusuang kandidato.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Paliwanag ni Lim, tanging sa araw lang ng eleksyon nagiging pantay-pantay ang lahat ng Pilipino at may pagkakataon na tumulong sa paghubog sa kinabukasan ng bansa. (Mary Ann Santiago)