OGIE copy

TULOY pa rin pala sina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa Happinas Happy Hour, ang bagong game show ng TV5 na dating Happy Truck Happinas. Pinalitan na ang title at pati time slot, sa halip na Sunday noon ay every Friday, 9 PM, na ito mapapanood at makakatapat ng Bubble Gang.

Ang unang balita, hindi sumama sa cast sina Ogie at Janno dahil ayaw nilang makatapat ang Bubble Gang na pinanggalingan ni Ogie at minsan, naggi-guest si Janno.

Pero sa nakita naming pictures at video na kuha sa taping ng bagong gag show ng TV5, kasama sa cast sina Ogie at Janno. Kasama rin ang ibang cast ng Happy Truck Happinas na sina Tuesday Vargas, Mark Neumann, Eula Caballero, Ella Cruz, Kim Idol at Alwyn Uytingco. Nakita rin namin sa taping si Gelli de Belen.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Siguro naman hindi magiging rason ang pagkakatapat ng kani-kanyang show na halos pareho rin ang concept para mag-away ang magkumpare at magkapitbahay na sina Ogie at Michael V.

Sa May 6 ang pilot ng Happinas Happy Hour at aliw ang eksenang in-spoof nina Ogie at Janno sina Captain America at Ironman sa pelikulang Civil War. (NITZ MIRALLES)