Nahaharap sa panibagong kaso ng graft sa Sandiganbayan si National Printing Office (NPO) Director Emmanuel Abaya at ngayon, dahil sa umano’y iregularidad sa pag-iimprenta ng mga clearance certificate ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagkakahalaga ng P1,899,950 noong 2010.

Ito ay matapos maghain ang Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Andaya.

Kabilang din sa kinasuhan ang mga miyembro ng NPO Bids and Awards Committee na sina Sylvia Banda, Josefina Samson, Antonio Sillona, Bernadette Laguman, at Gracia Enriquez.

Inirekomenda ng Ombudsman ang piyansang P30,000 sa bawat akusado.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Nag-ugat ang kaso sa pagkakaloob ng kontrata sa pag-iimprenta ng 1,000 kahon ng NBI clearance certificate na nagkakahalaga ng P1,899,950 sa Advance Computer Forms, Inc.

Subalit iginiit ng Ombudsman na hindi idinaan ang transaksiyon sa competitive public bidding.

Sinabi ng Ombudsman na talo ang gobyerno sa naturang transaksiyon dahil sa kakulangan sa proseso ng bidding.

Bukod dito, nahaharap din sa kasong two counts of graft si Andaya sa Sandiganbayan Fifth Division dahil din sa hindi pagsasalang sa public bidding sa pagsasara ng kontrata ng mga personalized accountable form na nagkakahalaga ng P3 milyon para sa provincial treasurer ng Cebu. (Jeffrey G. Damicog)