Sylvia-Sanchez-ningning copy

NA-MISS nang husto ni Sylvia Sanchez ang pagluluto, kaya ipinagluto niya ng masarap na pananghalian ang mag-aama niya kahapon.

“Tiyempo na wala akong taping ng My Super D kaya heto binigyan ko ng oras na ipagluto ang pamilya ko, nami-miss na raw nila ang luto ko, eh,” sabi ng aktres, at ibinahagi ito sa kanyang social media account.

Marami ang nag-comment na gusto nilang matikman kaya nagyaya pa ng dinner kagabi, pero may biglaan nang lakad si Ibyang kaya hindi na siya pumuwede.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinalita namin sa aktres na maganda ang feedback sa Super D lalo na sa mga bata.

“Mabuti naman maraming nakaka-appreciate,” sabi niya. “Oo pangbata nga ang Super D. Heto nga, natutuwa ako kapag nakikita ko ang bunso kong si Xavi at si Art na naglalambingan bago matulog, sarap ng pakiramdam kasi maski na busy sa trabaho si Art, hindi siya nagkukulang sa mga anak namin.

“Kaya kapag nakatulog na sila pareho hayan, pinipiktyuran ko, priceless talaga ang pakiramdam,” kuwento ni Ibyang.

Gusto man niyang makita uli na magkakatabi sa pagtulog ang iba pa niyang anak na sina Arjo, Ria at Gela ay hindi na puwede dahil may kanya-kanya na silang ginagawa lalo na ang panganay niya na bihira na niyang makita dahil busy sa taping ng Ang Probinsyano. (REGGEE BONOAN)