Mayo 5, 1981 nang pumanaw si Bobby Sands, isang bilanggong Irish-Catholic militant, 66 na araw matapos siyang huminto sa pagkain, sa Maze prison sa Northern Ireland.
Na-comatose siya sa loob ng 48 oras bago siya tuluyang idineklarang patay ng medical staff. Upang maiwasan ang tuluyang pagkadurog ng kanyang mga buto, nanatili siya sa water bed sa mga huling araw ng kanyang buhay.
Kumalat ang mga balita tungkol sa pagkamatay ni Sands at nagbunsod ito ng mga rambulan sa Belfast, Northern Ireland.
Sinentensiyahan si Sands ng 14 na taong pagkakakulong dahil sa pag-iingat ng baril, ngunit limang taon pa lamang ang kanyang naigugol sa kulungan nang siya ay mamatay. Tinawag siyang isang “dangerous criminal” dahil sa pagkakasangkot niya sa rebeldeng grupo na Irish Republican Army.