Katatagan at makabisado ng husto ang galaw at laro sa isa’t isa ang kinakailangang gawin ng Arellano University Chiefs upang mapangatawanan ang pagiging contender sa darating na NCAA Season 92 sa susunod na buwan.

“Yung consistency at kung paano nila mababasa si Jiovanni yun ang kailangan pa naming i- workout kasi kulang pa,” pahayag ni Chiefs coach Jerry Codiñera patungkol sa kanyang team na naipanalo ang unang laro sa pre season tournament na Fil Oil Flying V Premier Cup kontra Emilio Aguinaldo College,79-72.

“Dapat matutunan nilang basahin si Jiovanni, hindi yung si Jiovanni ang magbabasa sa kanila,” ayon kay Codiñera, patungkol sa kanilang team skipper.

“Kung yung ibang team problema yung backcourt,sa min isa yun sa strength ng team,” aniya.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa ngayon, sinabi ni Codiñera na halos buo na ang kanilang team at may apat na slots na lamang na kailangang punuan dahil sa binagong format ng NCAA na 18 players per team.

“Fifteen to play pa rin,yung 3 reserves in case may ma-injure puwedeng lumaro. (Marivic Awitan)