Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng partial proclamation ng mga mananalo sa halalan sa Lunes.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hihintayin muna nilang matapos ang isasagawang counting at canvassing ng mga boto bago tuluyang ihayag kung sinu-sino ang mga nanalong kandidato.
Partikular na tinukoy ni Guanzon ang proklamasyon sa mga mananalong senador.
Paliwanag ni Guanzon, ito ang naging desisyon nila upang maiwasan ang kalituhan sa halalan.
Nais rin umano nilang maiwasan ang pagkakaroon ng pagdududa sa resulta ng botohan, tulad nang nangyari sa 2013 midterm elections, na nagkaroon ng partial proclamation sa mga nanalong senador. (Mary Ann Santiago)