Sunshine copy

AT 11, dalaginding na si Francheska, ang panganay ni Sunshine Cruz with estranged husband Cesar Montano. Malalaki na rin ang dalawa pang anak ng aktres na sina Angelina at Samantha. Papasok na ang bunso sa La Salle bilang Grade 7.  

Sabi ni Sunshine, smart, very talented at mapagmahal ang kanyang mga anak.

Habang ongoing ang annulment case na isinampa niya laban kay Cesar, mas pinipiling manahimik ng aktres na mapapanood ngayon sa Dolce Amore. ‘Yun nga lang, ginulantang ang pananahimik ng mag-iina sa muling pag-iingay ng ex ni Shine. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Pati ang suporta ng aktor sa mga anak ay tila nais ipaalam sa lahat ng netizens, ang 40k a month na nakapangalan sa

De La Salle para sa tuitions ng mga anak. Dahil sa school nakapangalan, ultimong sentimo ay labas ang pambayad sa mga pambili ng mga gamit at pagkain ng mga bata.

Hinaing ni Sunshine, kung suporta sa mga anak ang nais nitong ipaalam sa lahat, kulang pa ito kung tutuusin dahil kumakain nga naman ang mga bata at maging ang pambili ng gamit ng bata sa iskul ay ‘di kasama sa suportang ibinibigay ni Cesar.

“At hindi lamang ‘yun, nagbabayad pa rin kami ng bahay,” aniya sa panayam last Sunday sa show sa Luneta kaugnay ng kanilang kick-off para sa nalalapit na Dolce Amore world tour.

Hindi maintindihan ni Sunshine kung bakit kailangan pang i-post ni Cesar ang suporta sa mga anak. Dahil nga ba sa papalapit na halalan dahik kumakandidato ang kanyang ex-husband bilang party-list representative?

“Nagpapapogi siguro,” tanging reaksiyon ni Sunshine nang aming makatsikahan after the show.

Sa ginawa ni Cesar, marami tuloy ang nainis sa kanya, anila’y hindi sincere ang aktor sa pagtulong sa mga anak dahil bakit nga ba kailangan pang ipangalandakan sa media ang suporta?

Isang basher ang sinagot ni Cesar, kung bakit naka-post ang tsekeng pambayad sana ng tuition para sa mga anak na sina Francheska, Angelina at Samantha. (Ador Saluta)