Isabel at John copy

SA unang pagkakataon, ang komikerong si John Prats na regular na napapanood sa Banana Sundae ay mapapanood sa isang seryoso at napapanahong pelikula.

Siya ang bida sa Diyos-diyosan na tampok din si Princess Punzalan in another memorable bad karakter.

Ginagampanan ni John ang karakter ng isang senador na corrupt na kumakandidato sa pagkapangulo ng bansa. Very timely dahil election na next week.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, gusto nina John at Isabel Oli na masundan kaagad ang kanilang panganay na si Lily Feather.

Masaya raw ang magkaroon ng malaking pamilya at habang kaya pa ni Misis. Isinasa-alang-alang din ni John ang kalusugan ni Isabel.

“Ayaw niyang magplano at marinig mula sa doctor na it will be a difficult pregnancy due to age,” sabi ng aktor.

Ang pagdating ni Lily Feather ay malaking blessing sa mag-asawang John at Isabel.

“Fatherhood transformed me into a better person,” saad pa ni John. (REMY UMEREZ)