Rhian Ramos' contract signing copy

WALANG balak si Rhian Ramos na iwanan ang GMA Network, kaya muli siyang pumirma ng exclusive contract bilang Kapuso, nitong nakaraang weekend.

Kasama niyang pumirma ng contract ang manager niyang si Ronnie Henares sa harap ng executives ng network headed by GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon.

“Masaya ako at dito na ako sa GMA nagsimula ten years ago,” sabi ni Rhian. “I’m happy to continue a great relationship with the company. It’s pretty much my family. Dito na ako lumaki.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Excited na si Rhian sa bagong project na sisimulan niya sa sa GMA-7. 

Siya ang tipo ng artistang hindi namimili ng role. Hindi siya tumanggi nang sa kanya i-assign ang role sa The Rich Man’s Daughter na na-in love siya sa isang lesbian.

“I really think that now it’s a great time for me and I’m very excited to give my best this year,” pahayag ni Rhian.

“As you get older, mas nagiging mature ka and mas maraming naiintindihan. Mas marami akong maibibigay ngayon in terms of acting kumpara when I started. Mas marami na akong alam ngayon at mas effective na magagawa ko iyong mga roles ko. I am very, very excited to be working on new things this year. I just want to make sure to give the best product of my life.”

Masaya si Atty. Gozon na patuloy na nagiging loyal sa network si Rhian at muling pumirma ng kontrata sa kanya.

Ayon naman kay Ms. Lilybeth Rasonable, GMA Entertainment TV senior vice president, si Rhian ay isa sa homegrown artists ng GMA, na very talented and professional.  

“Meron na kaming binubuong soap opera, dahil magaling siyang dramatic actress. Magaling din siya sa comedy na nakita na namin sa ilang beses niyang paggi-guest sa mga sitcoms ng GMA 7. Last year, nagkaroon na siya ng hosting job, kaya bibigyan din namin siya ngayon ng hosting stints,” sabi ni Ms. Lilybeth. (NORA CALDERON)