Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magdadagdag ito ng P1.50 sa kada litro ng gasolina, P1.40 sa kerosene, at P1.35 naman sa diesel nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo, kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Unang naglabas ng pagtaya ang energy sources na posibleng tumaas sa P1.50 hanggang P1.65 ang presyo ng gasolina at diesel ngayong linggo.

Abril 26 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Shell at Flying V, ng 55 sentimos sa kada litro ng diesel at 20 sentimos sa kerosene, kasabay ng 40 sentimos na tapyas naman sa gasolina. (BELLA GAMOTEA)