SI Ogie Alcasid ang makakatsikahan ni Arnold Clavio saTonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules (May 4).

 

Hindi lamang henyo sa musika si Ogie, maging sa komedya ay nabiyayaan din siya ng talent kaya asahan ang kuwentuhang puno ng katatawanan. Sa pamamagitan ng ilang challenge, mabubuko rin ni Igan ang ilang kuwento tungkol kay Ogie na hindi pa nalalaman ng kanyang fans. 

Bukas-puso ring ilalahad ni Ogie ang kuwento ng pag-ibig at ilang naging pagsubok sa married life nila ni Poor Señorita star Regine Velasquez. Sa katunayan, ang pinakabagong original na awitin ni Ogie na Ikaw Ang Buhay Ko ay alay niya para sa kanyang asawa. Abangan si Ogie na kantahin ito sa TWAC.

Karina Bautista, PH navy reservist na

 

Huwag palampasin ang Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 PM sa GMA News TV.