Duchess Kate sa Vogue cover copy

HINDI lamang siya isang duchess, isa rin siyang certified fashionista. At ngayon, mas nagiging kilala pa si Kate Middleton sa professional fashion world, matapos na siya ang napili para maging cover girl ng centennial year ng kilalang British magazine na Vogue.

Ano pa nga ba ang mas magandang paraan para ipagdiwang ang 100 pabulosong taon ng British Vogue kung hindi ang itampok pinaka-fashionista na babae bilang cover girl sa issue ng magazine sa Hunyo ngayong taon?

Sa kabila ng pagkakaroon ng wardrobe na tiyak na kinaiinggitan ng lahat ng kababaihan, si Kate, na ngayon ay 34 na taong gulang na, ay hindi pa bumibida sa kahit anong fashion spread—maliban ngayon! Ang nasabing issue ay lalabas na sa ikalima ng Mayo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inihayag ng British Vogue nitong Abril 30 na si Kate nga ang magiging cover girl ng prestihiyosong centennial issue nito. Sa katunayan, ipinakita na nila ang ilang pasilip para sa kaabang-abang na issue na ito.

Suot ang make-up na halos hindi alata, kitang-kita ang natural na kagandahan ng Duchess of Cambridge habang naka-pose sa parang sa Norfolk.

Suot ni Kate ang brown suede moto jacket, crisp white button down, at itim na leather fedora. At siyempre, magpapahuli ba naman ang kanyang napakagandang sapphire at diamond engagement ring?

Ang cover niya’y nagmistulang “female Indiana Jones” na kuha ni Josh Olins, kasama na rin ang mga kuhang nasa loob ng magazine.

Isa pang mahusay na kuha ay ang nakasandal si Kate sa bakod habang nakasuot ng pantalon at ang cool, red striped sweater. At ito ang kapansin-pansin—perfect ang lahat kapag ikaw ay may mala-Disney princess na buhok!

Dagdag pa rito, ang litrato ni Kate na naka-pulang shirt siya, kasabay ang ilan pang mga kuha, ay lalabas sa exhibit ng National Portrait gallery, na pinangalanang #Vogue100: A Century of Style. (HollywoodLife.com)