Taylor Swift copy

GAGANAP na mutant si Taylor Swift sa pinakaaabangang pelikula na X-Men: Apocalypse.

Napaulat na gaganapn ang Shake It Off singer bilang ang mutant singer na si Dazzler sa pelikula, na ipalalabas na sa North America sa Mayo 16, ayon sa mga editor ng NME.com.

Nag-post si Sophie Turner, na gaganap na batang Jean Grey sa pelikula, ng litrato sa Instagram nitong Abril 29, na malinaw na clue sa cameo role ni Taylor.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa larawan, mula sa isang eksena sa pelikula, ay makikita si Sophie at si Cyclops (Tye Sheridan) habang nagkakalkal ng mga record noon pang 1980s. Hinatak ni Cyclops ang record ni Dazzler, isang mutant na may kakayahang mag-convert ng mga sound vibration sa light at energy beams.

“#FlashbackFriday to that time Cyclops and I went shopping at the mall and found our favourite singer’s album (pre 1989, of course),” caption ng bida ng Game of Thrones sa litrato. 1989 ang titulo ng bagong album ni Taylor, na nanalo ng Grammy Award at nakabenta ng mahigit apat na milyong kopya.

Sa isang panayam sa Vogue magazine, naikuwento ni Taylor na nagre-relax muna siya matapos ang nakalululang tagumpay ng kanyang 1989 album noong 2014, at siya “[has] no idea” kung kailan niya ire-release ang susunod niyang album.

“This is the first time in 10 years that I haven’t known,” aniya. “I just decided that after the past year, with all of the unbelievable things that happened, I decided I was going to live my life a little bit without the pressure on myself to create something.”

Una nang sinabi ng nobyo ni Taylor, ang superstar DJ producer na si Calvin Harris, na enjoy siya kapag kasama ang kasintahan sa kanyang trabaho, dahil napaka-bubbly nito.

“She’s fantastic! She knows when it’s time to leave me for a bit on my own. Before the show,” sinabi ng 32-anyos na DJ sa panayam ng KISS FM radio station sa London.

“She’s super encouraging and she kind of gets her vibe going with other people as well, you know. She can even cheer up my manager, which is an unbelievable feat! So it’s fantastic having her around.”

Tampok din sa X-Men: Apocalypse sina James McAvoy, Michael Fassbender, at Jennifer Lawrence. (Cover Media)