KAWIT, Cavite – Napatay sa pamamaril ng isang hindi nakilalang suspek ang isang construction worker habang nagbabanyo sa Malvar Subdivision, Barangay Toclong sa bayang ito.

Natagpuang walang buhay si Ramir Juralbar Montilla, 27, at may mga tama ng bala sa ulo at tiyan, dakong 3:00 ng hapon nitong Sabado.

Ayon kay PO3 Plaridel O. Daprosa, Jr., posibleng binaril si Montilla habang nagbabanyo dahil nakababa ang pantalon nito.

Wala pang ideya sa bumaril sa biktima, na ayon sa mga kapitbahay nito ay gumagamit umano ng ilegal na droga. (Anthony Giron)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog