Instant trabaho sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natanggap na regalo ng isang babaeng magna cum laude graduate sa isang paaralan sa Antique.

Ayon kay DSWD Regional Office 6 Jeffrey Gabutay, ng Pantawid Provincial Link, nagdesisyon silang kunin ang serbisyo ni Jomalyn Lucena, benepisyaryo ng Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (GP-PA) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), matapos itong magtapos sa West Visayas State University-Calinog campus noong Marso.

Si Lucena ang bagong Pantawid Social Welfare Assistant sa Buruanga, Aklan.

Una nang naiulat ng DSWD na aabot sa 3,629 na iskolar ng kagawaran sa Western Visayas, kabilang ang Negros Occidental, ang kanilang sinusuportahan sa pag-aaral. - Rommel Tabbad

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter