Patuloy ang ika-13 edisyon ng UFCC Cock Circuit na papagitna bukas sa Pasay City Cockpit tampok ang 12th Leg solo champion Fiscal Villanueva & Eddieboy Villanueva (Fiscalizer 3-Cock La Loma 22K Pot May 19) na sisikapin maulit ang kanilang panalo upang mas pagandahin pa ang kanilang pag-akyat sa ikatlong pwesto sa labanan para sa 2016 UFCC Cocker of the Year title.

Si Joey de los Santos (San Roque) na patuloy na nangunguna ay dalawang puntos na ang kalamangan sa pumapangalawang si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) na may 44.5 puntos.

Nasa ikaapat na posisyon sa iskor na 42.5 si Arman Santos (Jade Red), kasunod si Gerry Ramos (AAO Striker) na may 39.5 puntos, tabla kay Gov. Eddiebong Plaza (1stMindanao International 7-Cock).

Ang mga nasa unahan ay binubuo nina Gerry Teves (Gerry Boy) – 39; Engr. Celso Salazar (Golden Boy 718) – 38.5; Ricky Magtuto (Ahluck Camsur) – 38; Gerry Ramos (AAO Hitcock) – 37; Ka Luding Boongaling (LB Candelaria RCG) – 35.5; Dorie Du / Magno Lim(Davao Matina MYL) – 35 at Cong. Patrick Antonio (Pang Minimum Bet) – 34.5.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird, Sagupaan, Resorts World – Manila and Solaire Resorts & Casino.