Liza at Enrique copy copy

KUMALAT sa social media ang kontrobersiyal na larawan na makikitang nakapatong ang kamay ni Enrique Gil sa dibdib ni Liza Soberano.

Looking at the picture, aakalain mong sinasamantalang hawakan ng aktor ang dibdib ng kanyang leading lady.

Sa Tonight With Boy Abunda, dinepensahan ni Boy Abunda ang aktor tungkol sa malisyosong pagtingin ng ilan sa nasabing larawan.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa nasabing viral photo, na kinuha sa kanilang harapan, tila hawak nga ni Enrique ang maselang bahagi ng katawan ni Liza habang naglalakad sila sa gitna ng maraming tao. Mabuti na lang at may isa pang litrato sa kaparehong oras na kuha sa ibang anggulo na malinaw na makikitang malayo ang kamay ni Enrique sa dibdib ni Liza.

May ilang netizens na walang tigil ang pag-bash kay Enrique sa unang bersiyon ng larawan.  

“Why would anybody... mambabastos ka… somebody who’s precious to you, right in front of everyone?” tanong ng TV host. “Tinutulungan lamang niya si Liza,” dagdag pa ni Kuya Boy.

Siguro naman maliwanag na ang lahat ngayon sa bashers ni Enrique. (ADOR SALUTA)